header logo image

Paano ba magpabago ng puwet?

June 7th, 2012 6:15 pm

MANILA, Philippines - Bawat isa sa atiy may pangarap at kung paano matutupad itoyitatampok ngayong Sabado alas-diyes hanggang alas-onse ng umaga sa Life And Style with Ricky Reyes na prodyus ng ScriptoVision at napapanood sa GMA News TV.

Marami sa atin ang mainipin. Parang sa modernong panahoy hangad nating instant o madalian ang mga kaganapan sa buhay. Parang instant coffee, instant tea, atbp. Ang mga panoorin sa LSWRR ay tungkol sa mga success story ng iba-ibang klase ng tao na di bumitiw sa pangarap at naniniwalang habang may buhay ay may pag-asa, sabi ni Mader Ricky na host-producer ng programa.

May interbyu sa mga kinoronahang finalist ng Miss Earth 2012 na magsasalaysay ng pinagdaanang hirap bago nila nakamit ang tagumpay. Ang mga itoy sina Miss Eco-Tourism Mary Claudine Ramos, Miss Phil-Water Samantha Purvor, Miss Earth Stephany Stefanovitz, Miss Phil-Air Glennifer Perido, at Miss Phil-Fire Thoreen Malvorse.

Dalubhasa sa sakit na cancer si Dr. Tranquilino Elicao, pero dahil sa isang malubhang sakit ay nanghina siya at di nakalakad nang walang tungkod. Matapos sumailalim sa isang Fresh Stem Cell Therapy ay bumalik ang lakas at kalusugan ng mabait na doktor na kasama.

Mahirap kumita ng pera. Grabe ang sitwasyon ng ekonomiya ng bansa. Tutukan ang pagbibigay ng tip sa mga nagnanais magtayo ng sariling negosyo. Mula ito sa mga taong nagtiyaga, nagsipag at di lang nangarap.

Eto ang instant ang New You segment na isang simpleng bank officer ang inayusan ni Mader Ricky na ang ginamit na make up at accessory ay courtesy ng first Philippines Leading Direct Selling Company na Natasha at napalitaw ang natatagong alindog at ganda.

Kung may problema sa katawan, huwag nang malungkot. Mayroong ipakikita sa LSWRR na paraan ng pagbabago ng puwet, pag-alis ng mga nunal at birthmark, pagpapalusog ng buhok.Pampababa ng weight at pati na pampataas.

Continue reading here:
Paano ba magpabago ng puwet?

Related Post

Comments are closed.


2025 © StemCell Therapy is proudly powered by WordPress
Entries (RSS) Comments (RSS) | Violinesth by Patrick